1ST | Kauna-unahang "Bangka Wedding" sa Pilipinas – isinagawa sa Naga

141

Isang kakaibang wedding ceremony ang nasaksihan sa Bicol Region.

Ginawa kasi ito habang sakay ang groom at bride sa isang tourist boat na bumabiyahe sa Bicol river!

Sabi ni naga City Civil Registry Office Head Alexander Cayetano – ito ang kauna-unahang civil mass wedding na isinagawa nila sa bangka.

Bida sa kasalan ang apat na pares na pawang mga person’s with disability.

Ang handog na kasal ng Naga City Government ay bahagi raw ng pinakaunang PWD month celebration sa lungsod.

Facebook Comments