Manila, Philippines – Pinasalamantan ni Associate Justice Samuel Martires ang tangkang pagharang ng mga pari at ng evangelical pastors sa kanyang nominasyon sa Ombudsman post.
Ayon kay Martires, dahil sa pagtutol ng naturang mga grupo, lalo aniya siyang naging matatag.
Sa panel interview ng Judicial and Bar Council , Dumistansya din si Martires sa sinasabing pagiging malapit niya sa Pangulong Duterte
Aniya, matapos ang kanyang appointment sa Korte Suprema ay hindi na niya nakakausap ang Pangulo kahit noong magkaroon ng homecoming ang San Beda College
Pabiro pang sinabi nito na kaya marahil gusto siya ng Pangulo ay dahil sa kanyang pagiging magandang lalaki.
Ang mga aspiranteng makakasama sa shortlist ng JBC ay isusumite sa Pangulo kung saan siya pipili ng kapalit ni Ombudsman Conchita Morales na magreretiro na sa July 26 ngayong taon.