Manila, Philippines – Pinabulaanan ng mga tauhan ng Day Care workers na nasa ilalim ng Manila Social Welfare Department na ibinigay na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang sweldo.
Nagulat ang mga day care workers nang marinig sa naging pahayag ni Mayor Erap Estrada sa na naibigay na ang kanilang sweldo.
Ayon kay Maria Feliciad, day care worker sa Tondo, na magtatatlong buwan na umanong delay ang kanilang sweldo simula noong buwan ng November.
Apat na libo isang buwan ang sahod nila bukod pa sa dalawang libong Special Activity Fund.
Wala rin umano silang natanggap na bonus noong Disyembre.
Ang day care workers ang siyang nagtuturo sa mga kabataan sa mga Barangay ay nasa ilalim ng Manila Social Welfare Department sa pamumuno ni Director Naneth Tanyag.
Kinumpirma rin ni Jay dela Fuente, dating hepe ng MSWD, ang reklamo ng mga day care workers dahil noon ay may 5 libong December bonus pa ang mga ito.