Manila, Philippines – Itinanggi ng Malakanyang na ginigipit si dating
Pangulong Noynoy Aquino dahil sa election related case kagunay sa Dengvaxia
na isinampa laban sa kaniya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais lang ni Pangulong Rodrigo
Duterte na ituloy ang imbestigasyon at tapusin na ito para malaman kung
sino ang may pananagutan.
Sinabi pa ni Roque, mabuti na rin na humarap si Aquino sa imbestigasyon
dahil kung hindi ito magsasalita ay hindi malalaman kung ano talaga ang
dapat niyang panagutan pero iginiit ng palasyo na walang nangha-harass sa
dating pangulo.
Hindi in daw nagsalita si Pangulong Duterte laban kay Aquino kaugnay ng
umano’y ‘electioneering’ sa paglabas ng pondong pambili ng Dengvaxia.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>