Manila, Philippines – Pinasisibak ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan ang sinumang nagbibigay umano ng mga mali-mali at gawa-gawang intelligence report kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinunto ni Pangilinan na bilyong pisong ang ginagastos mula sa intelligence funds, tapos gawa-gawa lang ang nasasagap na impormasyon.
Giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, lumang tugtugin na ang pinapalutang na pakikisabwatan umano ng oposisyon sa mga komunista para i-destabilize ang gobyerno.
Naniniwala si Drilon na ang Red October destabilization plot ng komunista at umano ay oposisyon ay produkto lang ng pantasya na ikinakalat sa layuning maisulong ang isang revolutionary government.
Diin ni Drilon, walang parte ang Liberal Party sa anumang
destabilization plot dahil sila ay naninindigan sa rule of law at sa itinatakda ng 1987 Constitution.