Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa Commission on Higher Education o CHED na tataas pa ang bilang ng mga mahihirap na estudyante na makikinabang sa free college law.
Pahayag ito ni angara makaraang ibaba ng Department of Budget and management o DBM sa 1.19-billion pesos mula sa kasalukuyang P4.19 billion ang budget para sa Tulong Dunong program ng CHED sa susunod na taon.
Ipinunto ni Angara na itinaas naman ng DBM sa P27 billion ang pondo para sa Tertiary Education Subsidy o TES na nagkakaloob ng allowance para pambili ng libro, mga gamit sa paaralan, panggastos sa transportasyon at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mag-aaral.
Binigyan diin pa ni Angara na magiging P51 billion pesos na ang pondo para sa Free College Law kaya dapat tumaas din sa 500,000 ang mga mahihirap na estudyante na makikinabang dito.