WALANG PLANO | PRRD, hindi sisibakin si Asec. Mocha Uson pero Malacañang, hindi tututol kung Ombudsman ang magutos ng pagsibak ditto

Manila, Philippines – Iniahayag ng Palasyo ng MalacaƱang na sa ngayon ay walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte o ang Presidential Communications Operations Office o ang PCOO na sibakin o kahit parusahan manlang Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa harap narin ng umanoy isa nanamang kahihiyan na ginawa nito para sa Administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay walang aasahan na dismissal para kay Uson mula kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Roque na ngayong may kaso nang isinampa laban kay Uson sa Office of the Ombudsman ng Philippine deaf resource center ay ang Ombudsman na ang bahala sa patutunguhan ng karera ni Uson sa Gobyerno.


Anoman aniya ang maging desisyon ng Ombudsman ay igagalang ng Malacanang ang proseso at sakaling sabihin ng Ombudsman na kailangang kalusin o tanggalin na si Uson sa gobyerno ay hindi ito tututulan ng MalacaƱang.

Facebook Comments