PINASISILIP | Information campaign ng gobyerno patungkol sa Federalism, pinabubusisi ni Sen. Poe

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Grace Poe ang Senate Resolution Number 821 para mabusisi ng pinamumunuan niyang committee on public information and mass media ang information campaign ng pamahalaan para sa Federalism.

Ang hakbang ni Senator Poe ay kasunod ng kontrobersyal na I-Pederalismo dance video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa resolution ay ipinunto ni Senator Poe na 90-milyong piso ang pondong inilaan ng gobyerno para ihatid sa publiko ang kaalaman ukol sa Charter change at Federalism.


Diin ni Poe, mahalaga na mailahad sa publiko kung paano gugugulin ng Consultative Committee at Presidential Communications Operations Office o PCOO ang pera ng bayan para maghatid ng tamang kaalaman ukol sa isinusulong na pagpapalit sa porma ng gobyerno.

Facebook Comments