PINASISILIP | Internal cleansing ng PNP, pinabubusisi ng Minority Senators

Manila, Philippines – Pinabubusisi ng Senate Minority Bloc sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang Internal Cleansing Program ng Philippine National Police o PNP.

Nakapaloob ito sa senate resolution number 822 na inihain nina Opposition Senators Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Leila de Lima at leader nilang si Senator Franklin Drilon.

Iginiit sa resolusyon ang kahalagahan na mailahad sa publiko ang hakbang ng pnp para linisin ang hanay nito laban sa mga tiwaling mga miyembro.


Ito ay sa harap ng nadadagdagang bilang ng mga pulis na nasasangkot sa krimen at iba pang kalokohan o iregularidad.

Tinukoy din sa resolusyon ang pahayag ni PNP spokesman, Senior Supt. Benigno Durana Jr. na simula January 2016 hanggng June 2018, ay umaabot na 1,828 ang mga pulis na tinanggal sa serbisyo matapos masangkot sa ibat ibang ilegal na aktibidad.

Facebook Comments