Pasisimulan na ng DSWD ang pagpapatayo ng mga paaralan para sa indigenous people o Lumad sa Davao del Norte.
Ito ay matapos magkasundo ang Dept of Social Welfare and Development, Eastern Mindanao Command at local government unit ng Municipality ng Talaingod sa Davao del Norte.
Ang proyekto ay sa ilalim ng DSWD Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, isa sa poverty-alleviation programs ng pamahalaan na ipinatutupad ng ahensiya.
Ang proyekto ay ipapatupad sa 7 lugar sa Barangay Sto. Niño, Talaingod, na ikinokunsidera na Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA).
Nangako ang Armed Forces of the Philippines at Eastern Mindanao Command na magkaloob ng security, technical assistance, at superbisyon hanggang sa matapos ang proyekto.
Ang DSWD, kasama ang Municipal Tribal Council, at ang local government ng Talaingod, at concerned barangay ang mangangasiwa naman sa procurement ng mga materials at monitoring sa cultural sensitivity at partisipasyon ng komunidad at tribal beneficiaries sa pangkalahatang implementasyon ng proyekto.