Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Senator Risa Hontiveos ang Senate resolution number 760 na nagsusulong ng imbestigasyon kaugnay sa umano ay 150-million pesos na halaga ng kontrata sa gobyerno na nakuha ng security firm na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.
Inaatasan sa resolution ni Hontiveros na magsagawa ng pagdinig ang Committee on Civil Service and Government Reorganization na pinamumunuan ni Senator Antonio Trillanes IV.
Tinukoy sa resolusyon ang nakasaad sa article 7, section 13 ng 1987 constitution na ang pangulo at iba pang opisyal ng ehekutibo ay hindi dapat maging parte ng anumang negosyo o kontrata sa gobyerno.
Diin ni Hontiveros, malinaw na may iregularidad na naganap at conflict of intrest makaraang aminin umano mismo ni Calida na Hindi pa niya nada-divest o nabibitawan ang kanyang intres sa nabanggit na negosyong pinapatakbo ng kanyang asawa at anak.