PINASUSUBAYBAYAN | Mga kaso ng kaguluhan sa evacuation centers, pinamo-monitor ng DSWD

Pinasusubaybayan na ni DSWD Secretary Virginia Orogo ang mga untoward incidents na nangyayari sa loob ng mga evacuation centers.

Ginawa ni Secretary Orogo ang pahayag kasunod ng pagdalaw nito sa Region 1 at namahagi ng relief goods sa mga residente na naapektuhan ng Habagat.

Partikular na tinukoy ng kalihim ang kaso tulad ng harassment o pang aabuso habang nasa loob ng evacuation centers.


Aniya ang DSWD ay mahigpit nang nakikipag ugnayan sa Local Government Units (LGUs) upang mapanatili ang ligtas na espasyo sa evacuation center para sa mga kababaihan at kabataan.

Pero kailangan pa rin aniya ang kooperasyon ng bawat isa para maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.
Base sa pinakahuling report ng DSWD Disaster Response Management Bureau, pumalo na sa 203,032 pamilya o 914,338 katao ang naapektuhan ng southwest monsoon sa 752 barangays sa Regions I, III, VI, Cordillera Administrative Region , National Capital Region , CALABARZON at MIMAROPA.

Facebook Comments