PINASUSUMITE | Grupong VACC at VPCI, hinanapan ng DOJ panel ng kumpletong listahan ng respondents sa dengvaxia controversy

Manila, Philippines – Inatasan ng DOJ panel ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution Inc. (VPCI) na magsumite ng kumpletong listahan ng respondents.

Kaugnay ito ng mga kasong multiple homicide at physical injuries, malversation of public funds, at paglabag sa Anti-Graft Law and the Government Procurement Act laban sa mga sangkot sa kontrobersyal na Anti-Dengue Vaccine Campaign ng Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga kinasuhan ng VACC at Vanguard sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget and Management Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janette Garin, incumbent Health Undersecretaries Carol Tanio, Gerardo Bayugo, Lilibeth David at Mario Villaverde; gayundin sina dating Health Undersecretaries Nemesio Gako, Vicente Belizario Jr. at Kenneth Hartigan-Go; incumbent Health Assistant Secretaries Lyndon Lee Suy at Nestor Santiago at iba pa.


Partikular na pinasusumite ng DOJ panel sa April 20 ang kumpletong listahan ng mga opisyal ng Sanofi Pasteur, na siyang developer at manufacturer of Dengvaxia vaccine at ng Zuellig Pharma, na siya namang nag-supply sa DOH ng nasabing bakuna.

Nilinaw naman ng panel na wala silang pinalabas na subpoena sa grupo ni dating Pangulong Aquino.

Nag-ugat ang kaso matapos mabunyag na P3.5-billion dengue vaccine project ng DOH ay sinasabing naglagay sa alanganin sa mga batang naturukan nito.

Facebook Comments