PINASUSUSPINDE | Maging mga kakampi ni PRRD, nanawagan na ring suspendihin ang ika-2 bugso ng oil excise tax

Manila, Philippines – Nanawagan na rin maging ang mga kaalyadong Senador ng administrasyong Duterte na suspendihin ang ikalawang bugso ng excise tax sa langis.

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market dahil sa nararanasang political crisis sa mga pangunahing oil producer gaya ng Iran at Venezuela.

Ayon kay Senador Ralph Recto – mas papalo pa ang presyo ng petrolyo kapag naipataw ang buwis sa ilalim ng TRAIN law.


Nakasaad din kasi sa probisyon ng batas na kapag umabot sa 80-dollars per barrel ang langis, dapat nang suspendihin ang excise tax.

Sang-ayon din dito si Senador JV Ejercito.

Aniya, dapat na maging prayoridad ng gobyerno ang inisyal na tugon sa problema kaysa kunin ang target tax collection.

Mainam din umanong luwagan na muna ang mga patakaran sa pag-aangkat habang hinaharap ang epekto ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

Facebook Comments