PINATATAASAN | 50% na taripa sa bigas, inirekomenda ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Pinatataasan ni House Assistant Majority Leader at 1-PACMAN Partylist Representative Mikee Romero ang taripa sa imported na bigas sa bansa.

Inirekomenda ni Romero na itaas sa 50% ang buwis na ipinapataw sa imported na bigas na itinitinda sa merkado.

Giit ng kongresista, 50% ang dapat na international tariff commitment ceiling sa bansa at hindi ang inirekomenda ng Department of Finance (DOF) na 35%.


Masyado aniyang mababa ang 35% na maaaring ikalugi ng husto ng mga lokal na magsasaka.

Dapat aniyang mas mataas ang retail price ng imported rice at hindi kapantay sa presyo ng local rice.

Paalala ni Romero, dapat na mas pinoprotektahan ng gobyerno ang mga local farmers kahit pa inalis ang rice quota dahil sa commitment ng bansa sa ASEAN at World Trade Organization.

Facebook Comments