Manila, Philippines – Pinatawan ng Korte Suprema ng direct contempt ang petitioner sa kaso ng same sex marriage na si Atty. Jesus Falcis III.
Bunga ito ng pagsusuot ni Falcis ng punit-punit na pantalon, casual jacket at hindi pagsuot ng medyas
Sa limang pahinang notice of resolution na pirmado ni Supreme Court Clerk of Court Atty. Edgar Aricheta, pinuna rin ng hukuman ang hindi tamang asal ni Falcis nang dumalo ito sa preliminary conference ng korte noong June 5, 2018.
Sa simula pa lamang daw ng preliminary conference, hindi nag-manifest si Falcis ng kanyang presensya nang tawagin ang petitioner at mga petitioners-in-intervention.
Sa kabuuan anila ng preliminary conference, umakto si Falcis na parang hindi handa at walang alam sa tamang decorum na ipinatutupad sa pagharap sa hukuman.
Binalaan din ng Korte Suprema si Falcis na siya ay papatawan ng mas mabigat na parusa sakaling ulitin nito ang pambabastos sa hukuman.
Nakapagsumite na si Falcis ng compliance sa Korte noong June 6 kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang maling inasal at sa kanyang kasuotan.