Manila, Philippines – Ipinatigil din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Transportation Network Company na Libretaxi.
Ang Libretaxi ay isang ride-sharing application kung saan pwedeng makipagnegosasyon ang pasahero sa magiging pamasahe.
Ayon sa LTFRB, walang permiso mula sa ahensya ang Libretaxi kaya hindi ito pwedeng mag-operate.
Kapag hindi itinigil ang operasyon, ikokonsidera itong colorum ng LTFRB.
Patuloy naman ang ahensya sa pagtanggap ng mga reklamo laban ng sa ilang mapagsamantalang TNC service providers at mga taxi lalo na ngayong Kapaskuhan.
Facebook Comments