PINATITIYAK | CHR, gustong maging transparent ang gobyerno sa gagawing online surveillance

Manila, Philippines – Pinatitiyak Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na hindi magkakaroon ng abuso ang pagbibigay kapangyarihan sa DICT na i-shutdown ang social media pages na banta sa ssguridad ng bansa.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann De Guia, bagaman at kinikilala nila ang karapatan ng estado na pigilan ang terorismo, dapat na maglagay ng safeguards para magarantiya na hindi ito sisikil sa legitimate social protest o patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.

Aniya, dapat lamang gamitin ang surveillance power na ibibigay sa DICT sa lehitimong pakay tulad ng mga kongkretong banta sa seguridad at hindi maaring lumabag sa right to privacy of communication and correspondence.


Dapat din aniya na maging bukas o transparent sa pamamaraan at lawak ng gagawing online surveillance at may sapat na batayan na magbebenepisyo dito ang publiko.

Facebook Comments