Pinatutupad na liquor ban sa Quiapo, Maynila, mahigpit na mino-monitor ng mga otoridad

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Manila Police District (MPD) ang ipinatutupad na liquor ban sa Quiapo, Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Partikular ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pag-iinom ng alak at iba pang alcoholic beverages sa pampublikong lugar tulad ng mga kalye at mga eskenita.

Layon nito na matiyak ang seguridad sa paligid ng Quiapo sa harap ng patuloy na pagdagsa ng mga deboto.


Nakapaloob din sa Executive Order No. 1 ang pagpapatupad ng liquor ban sa Quiapo area.

Muli ring umapela ang Manila City Local Government Unit (LGU) sa mga deboto ng Poong Nazareno na makibahagi na lamang sa mga online activities para sa Traslacion at huwag nang magtungo sa simbahan ng Quiapo.

Facebook Comments