PINAUUWI NA | Bulkang Mayon, ibinababa na sa alert level 3

Albay, Philippines – Pinauuwi na ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga evacuee mula sa limang bayang naapektuhan ng mga nakaraang pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ito ay makaraang ibaba na ng PHIVOLCS sa alert level 2 ang bulkan noong Huwebes Santo, Marso 29.

Ayon sa PHIVOLCS, nabawasan na ang mga aktibidad na ipinapakita ng bulkan kabilang na ang crater glow at wala na ring lava effusion mula pa noong Marso 18.


Tinatayang nasa 1,300 na mga pamilya ang inilikas at nanatili pansamantala sa mga evacuation center ng ilang buwan mula nang mag-alburuto ang bulkang Mayon.

Facebook Comments