Pinawi ng Estados Unidos ang posibleng tensiyon sa pagitan nito at ng China sa West Philippine Sea sa susunod na buwan.
Sa press conference ng Armed Forces of the Philippines at ng U.S. Navy sa Camp Aguinaldo, tiniyak ni Admiral John Richardson, Chief of Naval Operations ng Amerika, na wala silang planong magsagawa ng military exercises sa teritoryong pinag-aagawan ng Pilipinas, China at iba pang bansa sa Southeast Asia.
Sa kabila nito, iginiit ni Richardson na patauloy na isusulong ng Amerika ang pagkakaroon ng freedom of navigation sa West Philippine Sea.
Nais din ng Amerika na magkaroon ng mas maayos na code of conduct in the high seas sa rehiyon.
Tiniyak naman ng AFP na sa kabila ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China at Russia nitong mga nakaraang panahon ay nananatiling matatag ang alyansa ng bansa at ng Amerika.