KINONDENA | Rape scandal na kinasangkutan ng isang pulis, kinondena sa Kamara

Manila, Philippines – Kinondena ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang latest rape scandal na kinasangkutan ng isang PNP Officer.

Tinuligsa ni Elago ang pagdepensa ni PO1 Edgardo Valencia sa ginawa nitong panghahalay sa isang 15 anyos na babae na nadakip kasama ng mga magulang na pinaghihinalaang drug pushers sa isang police operation.

Hindi aniya katanggap-tangap ang pahayag ng rapist na si Valencia na hindi na bago sa mga operatiba ang ginawa nitong panghahalay.


Mistula aniyang naging bahagi na ng standard operating procedure ng PNP ang paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ng mambabatas na wala din itong pinagkaiba sa mga opisyal ng BOC na sa halip na parusahan dahil sa pagpapalusot ng droga ay napromote pa ang mga ito.

Nanawagan ang kongresista ng accountability mula sa gobyerno at hinimok na parusahan ang pulis na gumawa ng panghahalay.

Facebook Comments