Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binitay na ang isang Pilipino sa Saudi Arabia noong Martes.
Ayon kay Ambassador Adnan Alonto ang 39-year-old Filipina household service worker ay hinatulang guilty ng Saudi government sa kasong murder.
Nanghihinayang naman ang DFA dahil hindi nila nasagip ang buhay ng Pinay dahil ang kaso nito ay walang blood money na katumbas base na rin sa desisyon ng Saudi Supreme Judicial Council sa ilalim ng Shariah Law.
Samantala, sinabi ni Ambassador Alonto na hindi nagkulang ang embahada sa pagbibigay ng tulong sa hindi na pinangalanang Pinay.
Sa katunayan, binigyan ito ng abugado para tulungan ito sa bawat pagdinig ng kanyang kaso at hindi rin anila sila nagkulang sa pagbibigay ng update sa kaso nito sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas.