Pinay ‘di pa rin nakikita matapos mawala sa Bali, Indonesia – DFA

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa local authorities sa Bali, Indonesia.

Ito ay kaugnay sa pagkawala ng Pinay na si Ella Balmaceda Paaño, 25-anyos, isang resort worker sa Coron, Palawan.

Nabatid na nagtungo si Paaño sa Bali noong December 25.


Ayon kay Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, kasalukuyan pa ring nakikipag-usap ang embahada sa mga otoridad sa Bali at inaalam kung saan-saan ang mga huling lugar na pinuntahan at mga taong huli nitong nakausap bago nawala.

Sinabi pa ni Ambassador Wee, na nangako naman ang Bali police authorities na magbibigay update sa kaso ni Paaño.

Nakatakda sanang umuwi ang Pinay noong December 28, 2018.

Maaari namang tumawag o mag-text sa mga numerong +639081427763 o +639125788021 sa may impormasyon sa kinaroroonan ni Ella Balmaceda Paaño.

Facebook Comments