Pinay Domestic Helper Na Inabuso Ng Kanyang Amo Sa Kuwait – Pumanaw Na

35

MANILA – Pumanaw na ang isang pinay domestic helper sa kuwait na umano’y inabuso at sinaktan ng kanyang employer.Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello – namatay sa isang ospital ang OFW na si Amy Capulong Santiago bandang alas diyes ng gabi noong January 25.Nabatid na matinding pambubugbog ang ginawa kay Santiago ng kanyang sariling employer.Naisugod pa si Santiago sa Farwaniya hospital pero idineklara rin na dead on arrival.Dahil dito, inatasan na ni Bello ang labor attache sa Kuwait na si Angelita Narvaez na bantayan ang kaso ni santiago.Noong araw din ng January 25 binitay ang isa pang pinay household worker na si Jakatia Pawa dahil sa pagpatay umano sa anak ng kanyang employer noong taong 2007.

Facebook Comments