Dating Senior. Supt Cesar Mancao Na Suspek Sa Dacer-Corbito Slay Case – Sumuko Na Sa Phil. National Police

11

MANILA – Sumuko na sa Philippine National Police si dating Sr. Supt. Cesar Mancao na akusado sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000.Sa press conference sa camp crame, kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group NCR Director Senior Supt. Belli Tamayo na kusang loob na sumuko si Mancao sa kanyang tanggapan noong ng Lunes, January 30.Kahapon ng umaga ay agad na ibinalik sa korte ang warrant of arrest laban kay Mancao.Ayon kay Tamayo – sa ngayon nasa kustodiya nila si Mancao habang hinihintay ng commitment order na manggagaling sa korte.Noong may 2013, tumakas si Mancao sa National Bureau of Investigation.Lumipad patungong United States si Mancao kasama ang iba pang sangkot sa kaso kabilang na si anti-kidnapping group Senior Superintendent Glenn Dumlao at Senior Superintendent Michael Ray Aquino.Kalaunan ay napabalik din sila sa bansa para harapin ang kanilang kaso.Si Dumlao ay nai-reinstate na habang si Aquino naman ay nakalaya.

Facebook Comments