Pinay na biktima ng hate crime sa New York City, maayos na ang lagay

Maayos na ang kalagayan ng 67-anyos na Pinay na biktima ng hate crime sa New York City.

Ayon kay Philippine Consulate in New York Consul General Elmer Cato, inaasahang makakalabas na ngayong araw ng ospital ang nasabing Pinay na nagtamo ng bali at mga sugat sa ulo at mukha matapos na 125 beses na pagsusuntukin at pitong beses na pagsisipain ng suspek na si Tammel Esco.

Aniya, mahaharap ang suspek sa reklamong attempted murder dahil sa hate crime.


Umapela naman si Cato sa New York Police na dagdagan ang kanilang mga hakbang para matiyak na mapoprotektahan ang mga vulnerable o mga walang kalaban-laban sa ganitong uri ng pag-atake.

Facebook Comments