Pinay na nanganak sa banyo ng eroplano biyaheng Doha-Beirut, viral

Facebook/ Lebanon Plane Spotters

Isang eroplanong biyaheng Doha-Beirut ang lumihis papuntang Kuwait dahil sa isang babae na nanganak habang nasa himpapawid.

Sakay ng Lebanon-based Middle East Airlines flight ME435, isang Pinay na nanganak sa banyo nito matapos makarating sa airspace ng bansang Iraq.

Ibinahagi ito sa Facebook page ng Lebanese Plane Spotters, sinabing maayos at ligtas na nai-deliver ang sanggol sa tulong ng mga propesyonal na crew ng flight on-board.


“It is as we always say, the crew is onboard for your safety at first and comfort. Hats off to MEA’s ME435 crew for the great job they have done and for the rigorous training they receive at MEA’s training center,” pahayag ng LPS.

Binati naman ng mga netizen ang airline crew at sinabing “Mea” ang ipangalan sa bata.

Noong 2017, isang sanggol din ang ipinanganak sa Jet Airways at bingyan ng lifetime free flights. Sinuspende ang operasyon ng buong airline dahil sa pangyayari.

Sa kasalukuyan, ang Facebook post ay mayroong 3,400 reactions at 1,000 shares.

Facebook Comments