Ginawaran ng Officer of the Most Excellent Order of the British Empire (OBE) ang isang Pinay nurse sa London.
Kinilala ang nurse na si Joy Ongcachuy, tubong Talisay mula sa Misamis Oriental at nagt-trabaho sa Royal London Hospital, na isa sa mga nag-asikaso ng mga nasugatan sa terrorist attack noong Hunyo 2017.
Ayon kay Ongcachuy, hindi siya makapaniwalang nakamayan at nakita niya nang malapitan ang British royalty na si Prince Charles.
“I cannot express enough how grateful I am,” ani Ongcachuy.
“He told me before we shook hands, ‘You did a great job during the incident. Congratulations,” dagdag niya.
Iginagawad ang Officer of the Most Excellent Order of the British Empire (OBE) sa mga mamamayan na may pambihira o kakaibang kontribusyon sa lipunan tulad ng community service pati sa larangan ng arts at science. Kasama na rin ang mga charitable at welfare na mga organisasyon.