Pinay nurse sa New York, binugbog matapos mag-alok ng mask sa isang subway

Nagtamo ng mga pasa ang isang Pinay nurse sa New York matapos bugbugin habang nag-aalok ng face mask sa magkasintahan sa loob ng subway.

Ayon sa Philippine Consulate, tinakbo sa emergency room ang nurse at cultural artist na si Potri Ranka Manis matapos magtamo ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa pag-atake na naganap noong alas-6:00 ng gabi ng Agosto 10.

Tiniyak naman ni New York City Mayor Bill de Blasio na aaksyunan ang patuloy na hate crimes sa mga Asyano.


Samantala, nasa maayos na ring kalagayan at nakalabas na ng ospital ang Pinoy theater actor na si Miguel Braganza matapos manakawan at pukpukin ng baril sa ulo sa New York.

Paliwanag ni Braganza, naireport na niya ang nangyari sa New York Police Department (NYPD) pero hindi pa rin siya tinatawagan ng mga ito kung nahuli na ang suspek.

Nagpaalala naman ang Philippine Consulate sa mga Pilipino sa New York na maging vigilante kapag lumalabas ng kanilang bahay lalo na tuwing gabi dahil sa tumaas na bilang ng karahasan na dulot ng anti-Asians sa Estados Unidos.

Facebook Comments