Pinay OFW na nakaligtas sa death row sa Saudi Arabia, nagpasalamat sa mabilis na aksyon ng gobyerno

Nagpasalamat si Rose Policarpio, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na unang nahatulan ng kamatayan sa Saudi Arabia, sa gobyerno sa naging mabilis na pag-usad ng kaniyang apela sa hukuman hanggang sa siya ay mapawalang-sala sa kasong murder.

Sa isang panayam, sinabi ni Policarpio na labis siyang nagpapasalamat sa mga opisyal ng gobyerno at sa Philippine Embassy dahil hindi nito pinabayaan ang kaniyang kaso lalo na’t siya ay napagbintangan lamang na pumatay sa kaniyang lady employer.

Taong 2013 nang dumating si Policarpio sa Saudi Arabia para magtrabaho bilang food server at napagbintangan na pumatay sa kaniyang babaeng employer.


Si Policarpio ay naka-hotel quarantine habang naghihintay ng resulta ng kaniyang swab test.

Facebook Comments