Pinay sugatan sa vehicular accident sa Kazakhstan

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang Overseas Filipino Worker na nasangkot sa isang vehicular accident sa Kazakhstan.

Nangyari ang insidente kahapon makaraang masangkot ang bus na sinasakyan ng OFW na si Jennifer Francisco Lavapiez sa aksidente.

Sa naturang multiple-vehicle collision na kinabibilangan ng 3 bus, 2 passenger cars at ambulansya naiulat na 2 ang nasawi habang 27 ang sugatan kabilang na ang ating kababayan.


Ayon kay Ambassador to Russia Carlos Sorreta nalaman nila ang aksidente matapos ipost ng biktima sa kanyang facebook ang insidente at agad itong kinontak upang bigyan ng assistance.

Sa ngayon tuloy ang ugnayan ng ating Embahada sa employer ng biktima maging sa bus company para sa tulong medikal ng OFW.

Facebook Comments