Pinay swimmer Remedy Rule, bigong makausad sa Tokyo Olympics

Bigong makausad sa finals ang pambato ng Pilipinas sa women’s 200-meter butterfly na si Remedy Rule sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos lumapag si Rule sa ika-walong puwesto sa semifinals habang ika-15 naman sa 16 atleta na kasama sa kategorya.

Natapos ni Rule ang nasabing round sa loob ng dalawang minuto at 16 segundo kung saan naunahan niya ng 11.49 seconds ang kinatawan ng China na si Zhang Yufei.


Samantala, ito ang kauna-unahang Olympic stint ng 24 taong gulang na swimmer kung saan una ay sumabak din ito sa 100.

Facebook Comments