Pinay tennis star Alexandra Eala, sisikaping manalo vs French tennis player sa semi-finals ng French Open Juniors

41

Handang-handa na ang Pinay tennis star na si Alexandra Eala sa magiging laban nito kontra kay Elsa Jacquemot ng France sa semi-finals ng French Open Juniors.

Si Eala na gumawa ng panibagong history sa Philippine tennis kung saan siya ang kauna-unahang Pinay na nakaabot sa semis ng isang Grand Slam tennis event.

Matatandaan na tinalo ni Eala sa quarterfinals ang tennis player mula Czech Republic na si Linda Noskova sa sets na 4-6, 6-3 at 6-2.

Mamaya naman alas-6:00 ng gabi ang laban ni Eala kontra kay Jacquemot kung saan umaasa ang kaniyang mga fans na mananalo ito at makakarating sa finals ng French Open Juniors.

Facebook Comments