Pinay UN Peacekeepers, mas lamang ang bilang kumpara sa mga kalalakihan ayon sa DFA

Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binubuo na ngayon ng mga kababaihan ang higit pa sa kalahating mga aktibong Filipino United Nations (UN) peacekeepers kumpara sa mga kalalakihan.

Binigyang-diin ni DFA Undersecretary Charles Jose ang kahalagahan ng papel ng mga kababaihang peacekeepers sa tagumpay ng mga misyon ng naturang organisasyon.

Kaugnay nito ay itinampok ni Jonas Gregory Perez ng UN Women Philippines ang mga naiambag ng mga kababaihang peacekeeper sa conflict resolution sa ginunitang ika-76 na International Day of UN Peacekeepers, at ika-61 anibersaryo ng paglahok ng Pilipinas sa UN peacekeeping.


Kung saan ay isinagawa ng DFA ang forum na pinamagatang “Kuwentong Bayanihan: Mga Kuwento mula sa Filipino Peacekeepers” sa Lyceum of the Philippines University-Manila.

Dito ay tiniyak ng DFA ang patuloy na pagsuporta at pagkilala sa mga kababayang peacekeepers.

Facebook Comments