Manila, Philippines – Pinayagan ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula ang nasa isang daan at pitumpong (170) pribadong paaralan sa Metro Manila.
Ayon kay DepEd NCR Director Wilfredo Cabral, bago nagbaba ng desisyon, sumailalim muna sa masusing pag-aaral ang hiling ng mga pribadong paaralan na makapagtaas ng matrikula.
Aabot lang din aniya sa labing limang porsyento ang pinayagan nilang tuition fee increase.
70-percent ng taas-matrikula ay dapat mapunta sa dagdag sahod at benipisyo ng mga empleyado ng paaralan.
20-percent ay para sa modernization o pagpapaganda ng mga paaralan at 10-percent lang sa kita.
Pagtitiyak ni Cabral, mino-monitor ng DepEd ang mga pribadong paaralan para matiyak na sinusunod ng mga ito ang naturang formula.
Kabilang sa mga magtataas ng matrikula ay ang 36 na private schools sa Maynila at 51 sa Quezon City.