Manila, Philippines – Tinanggal na kasi ng Pamahalaan ang ipinatupad na Deployment Ban para sa mga semi-skilled at skilled workers patungong Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa pagtatanggal ng nasabing Deployment ban ay paalis na ng bansa ang nasa 20 libong semi at skilled workers sa Kuwait kung saan may naghihintay na trabaho para sa mga ito.
Pero binigyang diin ni Roque na ngayon ay nananatili parin ang Deployment ban para sa mga Household Service Workers.
Tiwala din naman si Roque na susunod naring tatanggalin ng Pamahalaan ang deployment ban para sa mga domestic workers sa oras na mailatag na ang mga repormang kailangang maipatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Facebook Comments