BAGONG OPISYAL | Malacañang, binati ang mga bagong Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Officials sa buong bansa

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan officials matapos ang ginawang halalan kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang unang democratic electoral exercise sa ilalim ng Duterte administration at nagpapasalamat ang MalacaƱang sa publiko dahil sa suporta kooperasyon ng lahat para maging tahimik at matagumpay ang halalan sa buong bansa.

Batay aniya sa datos ng National Election Monitoring Action Center sa Campo Crame ay umabot sa 47 ang naitalang karahasan mula ng mag-umpisa ang election period noong April 14 at 7 palamang sa mga ito ang napatunayang election related.
Wala din naman aniyang naitalang malaking banta sa seguridad sa nagdaang halalan ang Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ibinalita din naman ni Roque na natanggap na ng mga guro na nagsilbi sa halalan ang kanilang mga cash cards para matanggap ang kanilang honorarium at para sa mga hindi pa nakatatanggap ay makukuha na ito ngayong araw.

Facebook Comments