PINAYUHAN | Cebu Pacific, may abiso sa mga pasaherong ba-biyahe sa August 4-6 sa Cebu

Manila, Philippines – Pinapayuhan ang mga pasahero ng Cebu Pacific na may flight sa August 4,5 at 6 patungo at palabas ng Cebu, na asahan na ang mabigat na trapiko sa mga petsang ito dahil sa mga kalsadang isasara para sa isang triathlon activity na gaganapin sa Mactan, Cebu.

Base sa abiso ng Cebu Pac, kung maaari ay i-reschedule na lamang ang flights ng mga pasaherong sasakto ang pagbiyahe sa nabanggit na petsa.

Kung hindi anila maiiwasan, pinapayuhan ang mga motorista na tutunggo sa Mactan – Cebu International Airport na dumaan na lamang sa Sangi Motumbo Road o sa Benito Ebuen Airbase.


Makabubuti rin anila na planuhing mabuti ang ruta at oras ng pagbiyahe, upang hindi mahuli sa naka schedule na flights

Facebook Comments