Manila, Philippines – Pinayuhan ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate si Pangulong Duterte na sibakin na ang kanyang mga economic managers.
Ayon kay Zarate, dapat nang palitan ng Pangulo sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.
Aniya, ang economic policies na dikta ng mga ito sa Pangulo ang lalong nagpahirap sa ordinaryong Pinoy.
Sabi pa ni Zarate, ang pagsibak sa tatlo ay dapat sabayan rin ng pagbasura sa TRAIN Law na pinaniniwalaang nagtulak sa pagtaas ng inflation.
Ito aniya ang mga hakbang na dapat gawin ni Duterte kung gusto niyang makabawi sa kaniyang trust at approval ratings.
Facebook Comments