PAGHAHANDA | LTFRB, pinalawig ang validity ng special permit para sa mga bus na bibiyahe sa nalalapit na Undas

Manila, Philippines – Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang itatagal ng mga special permit na ipagkakaloob sa mga prangkisa ng bus para sa darating na Undas 2018.

Batay sa Board Resolution No. 077, sa halip na mula October 30 hanggang November 3 ang special permits magiging balido na ito mula October 30 hanggang November 5.

Paliwanag ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, ito ay para sa kapakanan ng mga pasahero na ba-biyahe para bisitahin ang mga yumaong mahal nila sa buhay.


Nabatid na nitong Setyembre 24 pa nagsimula ang filing para sa special permits na tatagal hanggang October 5, 2018.

Pero 25 percent lamang ng prangkisa ng bus ang pwedeng mag-apply para matiyak na hindi maaapektuhan ang ibang ruta.

Facebook Comments