PINAYUHAN | Maureen Wroblewitz, may payo sa 2 Pinay na sasabak sa Asia’s Next Top Model

Umaasa ang Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz na makukuha ng Pilipinas ang back-to-back win sa 6th cycle ng Asia’s Next Top Model.

Matatandaang si Maureen ang kauna-unahang Pinay na nagwagi sa naturang reality modeling competition.

At ngayon, dalawang pambato ng Pilipinas ang napasok sa 14 official contestants, sina Adela Mae Marshall, 20-years old at Jach Manere, 21-years old.


Sabi ni Maureen, “strong model” sina Adela at Jach at malaki ang tiyansa nilang manalo dahil may karanasan na sila sa mundo ng modeling.

Gayunpaman, pinayuhan ng half Pinay model ang dalawa na maghanda pa rin “mentally and physically” dahil tiyak aniya na magiging gitgitan ang laban.

Bukod sa modeling, mahusay ring mag-piano at mag-compose ng kanta si Adela na lumaki sa United Kingdom habang experienced runway and editorial model si Jach na sinasabing hawig ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at aktres na si Kris Bernal.

Makakalaban ng dalawang Pinay ang mga aspiring international models mula Indonesia (Jesslyn Lim, Iko Bustomi), Malaysia (Rubini Sanbanthan), Thailand (Pim Bubear, Dana Slosar, Lena Saetiao), Singapore (Si Yihan), Vietnam (Rima Nguyen), Japan (Sharnie Fenn), Taiwan (Mia Sabathy), Myanmar (Beauty Tinh), at Hong Kong (Hody Yim).

Facebook Comments