PINABULAANAN | Ronnie Liang – muling itinanggi na siya ang nasa viral nude scandal sa social media

Manila, Philippines – Masaya ngayon ang singer/ actor na si Ronnie Liang dahil sa masigla niyang career sa showbiz.

Pinakabago niyang proyekto ngayon ang pelikulang Petmalu na mala-theater style at showing sa September 5.

Bukod dito, nai-release na rin ang 5th album niya na ngayon ay may mahigit 500,000 downloads na online.


May anniversary concert din siya sa October 13 sa Kia Theater kung saan guest artist niya si Sarah Geronimo.

Pero sa gitna ng masiglang showbiz career, iniintriga pa rin si Ronnie kaugnay ng kumalat na nude photo umano niya sa social media.

Nauna na itong itinanggi ng singer pero dahil ipinagpipilitan pa rin ng iba ng siya iyon, sagot ni Ronnie, “mas mahusay ang sa akin!”

Sabi pa ni Ronnie, may kontrata siya kung saan hindi siya pwedeng gumawa ng scandal o kahit anong makaksira sa image niya.

Facebook Comments