Manila, Philippines – Hinamon ng grupong Center for Ecology, Energy and Development na kung talagang seryoso ang Pangulo sa kanyang sinasabi tungkol sa pagpapatigil sa pagmimina dapat tuluyan na niya itong ipasara ang pagmimina.
Paliwanag ng grupo, Kaya naman ito ni pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang mga pagmimina ng hindi na kailangan ang panibagong batas.
Aniya ang nangyari sa Itogon Benguet ay isang reflection dahil ipinatitigil na yan ni dating DENR Secretary Gina Lopez pero ang ipinagtataka kung bakit patuloy pa rin nag ooperate.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Gerry Arances Center for Ecology,Energy and Development na kakayanin ni pangulong Duterte ang pagmimina kung talaga gugustuhin ng pangulo.
Giit ni Arances huwag ng antayin pa na maraming mga masasawi saka nalamang gagawa ng aksyon ang gobyerno.