Ping Lacson, may pasaring sa mga tamad na kawani ng gobyerno sa kanyang patalastas

Pinasaringan ni Partido Reporma Chairman at Standard-Bearer Panfilo “Ping” Lacson ang mga ahensya ng gobyerno na ayusin ang sistema ng burukrasya sa pamahalaan.

Iginiit ng mambabatas na seryoso siya sa pagpapatino ng ilang mga tiwaling miyembro ng pamahalaan.

Kabilang dito ang pagtuligsa sa talamak na kultura ng korapsyon at padrino system sa gobyerno.


Naging pokus din ng patalastas ang panunuhol at red tape o matagal na pagproseso ng mga dokumento na sadyang nagpapabagal sa mga serbisyo publiko ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Lacson na tatanggalin niya aniya ang mga indibidwal sa pribadong sektor na kuwestiyonableng nakakakuha ng mga proyekto sa gobyerno upang magamit na nang maayos ang pondo ng pamahalaan para sa mga programa at serbisyo publiko nito.

Bahagi ng mga plataporma ng tambalang Lacson-Sotto ang paglaban kontra sa korapsyon at maayos na pamamahala.

Kabilang sa kanilang adbokasiya ang pagdisiplina sa mga lingkod bayan at iba pang mga indibidwal na nakikipag-transaksyon sa pamahalaan.

Facebook Comments