PINGGANG PINOY PARA SA BAWAT PILIPINO, DAGUPEÑO EDITION! ISASAGAWA BILANG SELEBRASYON SA BUWAN NG NUTRISYON

Bilang selebrasyon sa Buwan ng Nutrisyon na may temang “Healthy Diet Gawing Affordable For All!, magsasagawa ang lungsod ng Dagupan ng photo liking and sharing contest sa mga interesadong magbahagi ng litrato ng kanilang pinggan na naglalaman ng pagkaing sagana sa nutrisyon.
Bukas ang nasabing contest sa lahat ng Dagupeño, magpadala lamang ng litrato ng iyong pinggan na may nakalagay na masustansyang katutubong pagkain ng siyudad at isend via email cnodagupancity@gmail.com at kung ito ay isa sa mapalad na mapiling ipost ay may tsansang manalo sa pamamagitan ng mataas na share and reaction sa ipinasang entry.
Samantala, layunin ng nasabing paligsahan na di lang alamin ang pagkain ng bawat Dagupeño sa hapag kainan kudi kung paano rin maaabot ang wastong nutrisyon ,dami at variation ng ating agahan, tanghalian, at hapunan sa ating hapag kainan.

Ano pang hinihintay mo Idol, flex mo na iyong pagkain today! |ifmnews
Facebook Comments