CALL CENTER AGENT MULA LAGUNA, PATAY MATAPOS MALUNOD HABANG NAGKAKAYAK SA BAYAN NG BOLINAO

Patay ang isang call center agent mula lalawigan ng Laguna matapos itong malunod sa bayan ng Bolinao.
Ang biktima ay kinilalang si Aloyssius Kevin Chavez, residente ng Sta Rosa lalawigan ng Laguna.
Ayon sa PNP Investigation, nag check in sa isang resort ang biktima sa bayan ng Bolinao at pagkatapos ay napagkasunduan nilang magkayak.

Dahil sa lakas ng hangin at alon na dulot ng habagat ay napadpad sa malalim na bahagi ng dagat ang biktima at kaibigan nito.
Nakaligtas ang kaibigan nito subalit ang biktima ang naipit sa naglalakasang mga alon kung saan ay kinailangan pa ang tulong ng mga kawani ng Philippine Coast Guard, PNP at MDRRMO upang maiahon ang biktima.
Agad naman itong naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments