Manila, Philippines – Pinigilan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tumakbo sa 2019 midterm elections.
Sa talumpati kasi ni Pangulong Duterte kagabi sa dinner kasama ang Philippine Military Academy Alumni Association kung saan sinabi nito na bibigyan na lang niya ito ng ibang trabaho.
Sinabi ng Pangulo mag-standby na lang ito dahil ayaw ng mga sundalo kay Roque kaya posibleng hindi ito manalo.
Matatandaan na sinabi ni Roque na kakausapin niya si Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang magiging desisyon kung tatakbo ba o hindi sa halalan sa susunod na taon.
Matatandaan na isa si Roque sa mga una nang inindorso ni Pangulong Duterte kung saan tuwing ipakikilala ito ay tinatawag ito ng Pangulo na Senador Harry Roque.