Piñol, humirit ng bakasyon kay PRRD

Magpapahinga muna si outgoing Secretary Manny Piñol bago tuluyang hawakan ang posisyon bilang chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Ngayong araw sana nakatakdang manumpa si Piñol bilang  MinDA secretary pero humirit siya kay Pangulong Duterte ng bakasyon.

Magugunita na naghain ng courtesy resignation si Piñol at kahapon ay pinalitan siya ni William Dar.


Nagpasalamat si Piñol sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya pero humingi siya ng sorry sa mga magsasaka at mangingisda na hindi kuntento sa kaniyang ibinigay na serbisyo.

Ang MinDA chairmanship ay katumbas din ng cabinet position.

Hahawakan ni Piñol ang mga programang pang agrikultura at pang ekonomiya ng Mindanao partikular ang  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Facebook Comments