Zero Crime naitala kasabay ng implementasyon ng Absolute No Parking sa Cotabato City

Walang naitalang krimen sa Cotabato City kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng Absolute No Parking Policy sa Sinsuat at Quezon Avenue.

Ito ang masayang ipinarating sa DXMY ni Traffic Management Unit at City PNP Spokesperson PMajor Rowell Zafra.

Matatandaang nagsimula ang implementasyon kahapon simula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.


Kasabay ng Absolute No Parking Policy, naideploy din sa mga lansangan ng syudad ang mga pinagsanib na pwersa ng PNP, Special Forces at Joint Task Force Kutawato, na bukod sa tumutulong sa pagpapatupad ng polisiya ay nagbibigay rin ng seguridad sa syudad.

Samantala, abot naman sa 30 mga motorista ang nabigyan ng traffic ticket ng TMU matapos lumabag sa iniimplementang polisiya.

Nauna na ring binalaan ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ang publiko lalo na ang mga motorista na makiisa sa kanilang kampanya.

Kutawato Pulisya PIC

Facebook Comments